These Are My Confessions


Isang Madugong Miyerkules

Posted in Updates by Bryan Karl on July 15, 2009
Tags: , , ,

Walang pasok. Di rin ako pumasok sa trabaho. Tamad na tamad ako ngayon.

Marami akong maililista dito. Marami talaga.

  • Nagwalis sa sala at kusina pagka-gising pa lang. May muta pa nga ako e nakahawak na agad ng walis. Leche. :|
  • Naglaba at nagsampay ng dalawang batches sa washing machine. Eto gusto ko tong gawain.
  • Nakipag-chat sa mga taong ka-chat ko araw-araw. Di naman ako napapagod o nagsasawa.
  • Nag-Plurk, Twitter, Facebook, Multiply. Hay salamat yun lang.
  • Nag-Plurk uli. Nag-Plurk. Sabi ngang nag-Plurk e! O eto, Plork.
  • Naulanan. Ang lakas ng ulan… pano na yung mga sinampay ko?? Bahala sila. E nakakapagod kumuha ng payong, hinubad ko nalang T-shirt ko at ginawa itong pantakip sa ulo. O diba, topless sa ulan. Gusto ko yatang magkasakit.
  • Nalaman na pupunta si Yagit dito sa August 1. E acquaintance parteeh namin yan sa komsai e. Ayun, isang madugong dahilan upang hindi maligo sa dagat at umiwas sa pagkasunog. See you soon Almendras.
  • Nalaman na inimbitahan ang CBS na pumunta sa Sumilon Island sa susunod na Sabado. Tuloy nalungkot ako. Di ako makakapunta. Sana gawing Sunday yung event! Please Lord. :)
  • Nalaman na may lab exercise pala na dapat gawin. Zzzz.
  • Binuksan ang lab exercise. Eh, ang hirap pala. Zzzz.
  • Nag-* hihihi
  • Hindi naligo. E ayokong maligo e. Naligo na rin ako sa ulan.
  • Nilinis ang kwarto pero di natapos. Tamad talaga.
  • Nilinas ang kusina at natapos! Ayun!
  • Nag-Plurk ulit. !@#$%^&*()
  • Kumain ng masarap na saging at hopia at pusit at itlog at fresh milk at kanin at tubig at Enervon. Ano pa ba…
  • Bumisita sa mga blags ng mga blaggers sa buong Pilipinas. May bagong post pala si kaibigang Diego Jose. Inatake si Santino. Wahahaha.
  • Gumawa ng bagong Plurk layout. Aw di pala ako ang gumawa sa layout. Yung background lang yung ginawa ko. Alam ko pangit yun. Tingnan nyo nalang sa baba.
  • Nagsulat ng post. Eto yun, tong binabasa nyo.

Yun lang nga ba ang ginawa ko ngayong araw? Huhu ang boring. Tsaka la akong nagawang mabuti para sa pag-aaral ko. Di ako nagbasa ng libro o ng notes. Di ko ginawa yung lab exercise. Di ako nag-research ng para sa thesis ko. Di ako nag-research nung para sa reporting namin. WALA WALA WALA akong ginawang mabuti ngayon araw nato. Period.

Share ko nalang bagong Plurk BG ko. Hihihi.

Bagong Plork layout ko. Pangit ba? Okay lang, gwapo naman yung nasa piktyur. Hihi.

Bagong Plork layout ko. Pangit ba? Okay lang, gwapo naman yung nasa piktyur. Hihi.

P.S. Bakit nga ba ako nag-Tatagalog? Para maiba naman. Idol ko kasi si Jose Rizal. Woot. Rizal film-showing pala kami bukas. :P

7 Responses to 'Isang Madugong Miyerkules'

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to 'Isang Madugong Miyerkules'.

  1. jason said,

    Ang dami namang nagyare sayo!!
    mamigay ka naman!

    LOL

    pareho pala tayo eh

    idol si Rizal!!!!!

    hehe

    • Bryan Karl said,

      Haha marami nga pero parang wala namang nangyari talaga. Haha.

      Go Rizalista!

  2. Mikyu said,

    dumudugo yung ilong ko sa ‘yo dude! XD
    may sumanib bang masamang ispiritu sa imo dong? mura man gu’g high ka. mahahaha. char ‘ayo imong adlaw. maypa ka bsa’g dghang g.buhat, at least dli sa skul. waaaahhhh. XD

    • Bryan Karl said,

      Mao jud, maypa ko bisan daghan gibuhat dili sa skul. Yehey!!!

      • Mikyu said,

        sheyt i was feeding you d.i. hahahaha. buwad ka. XD

  3. Winkie said,

    Nag-* hihihi

    —> what could this be? LOL

    napadalaw lang from GTM. at extra talaga si diego sa list mo :)

    • Bryan Karl said,

      Hahaha hi Winkie. Toinks, at yun pa ang na-notice mo, hehe :D

      Yeah I always see (or read) you at GTM… Thanks for dropping by :)


Leave a Reply