Kahapon sa library, dahil may apat na oras kaming break bago ang Artificial Intelligence class namin, naisipan ng mga kasama ko na manood ng Hetalia, isang anime tungkol sa world history. Tayming naman na kagigising ko lang galing sa power nap ko, dun din sa library, hehe, kaya nanood na rin ako. Alam ko na kung ano yung Hetalia kasi matagal ng nanonood yung isa kong kaibigan nyan. Sabi nya yaoi daw, kaya nga tinutukso namin siya na mahilig siya sa yaoi, hihi.

Hetalia characters

Hetalia characters

Ang Hetalia ay isang anime tungkol nga sa world history. Yung mga bida nito kapangalan ng mga bansa na malaki ang ginanap na role sa World War I at II. Ang totoong title ng anime na to ay Axis Powers Hetalia. Oi, remember nyo pa ba yung Axis Powers at Allied Powers? Ang Hetalia ay nakasentro sa storya ni Italy. Veneziano yung totoo nyang pangalan. May twin siya, si Romano. Basta long story, hehe. Ang Hetalia ay limang minuto lang. Oo limang minuto lang. HAHAHA. At once a week lang daw ito ipinanalabas sa Japan. Bitin na bitin siguro ang mga fans, bwahaha.

Sa gitna ng Hetalia ay ang Chibitalia! Yung Chibitalia ay storya nung bata pa ang mga tauhan sa Hetalia. Ang kawaii kawaii nga e. Hahaha. Di naman ako mahilig sa anime kaya siguro nanibago ako nung nakita ko tong Hetalia at Chibitalia. Tawang-tawa kami kasi nga sunod na sunod ang world history sa storya ng Hetalia, kaya siguro may mga yaoi moments pero ok lang di naman bastusan ang anime nato. Para ngang pang-kinder to e, haha.

Chibitalia, umiiyak na Italy

Chibitalia, umiiyak na Italy

Kaya manood na kayo ng Hetalia para maging isip-bata rin kayo! HAHA.

P.S. Walang Philippines na tauhan sa Hetalia. Pangit sila, bakit wala tayo. E kung merong Philippines siguro sunod-sunuran lang ni Spain, Japan o America (mga main characters to). Pero ok lang. Di gaya ng ibang bansa, ayaw nilang manood ng Hetalia dahil wala yung bansa nila. Sus, oa. Hahaha.